Island Hopping

Zambales Escapade : Capones Island V.2.0 πŸ’šCamara Island

β€œWe travel, some of us forever, to seek other places, other lives, other souls.” – Anais Nin

Eto yung rampage ko na sabit lang ako heheh naki family outing lang.

Sa may San Antonio Zambales lang kame nag stay, no entrance fee cottage fee only. Yung cottage nila is kubo style, good for 30 persons pero hindi lahat makakatulog sa loob so kaya kame naka tent sa paligid lang ng kubo. May mga papag sa loob, lababo, cr at poso. Yizzzz poso style…Nag enjoy kaya ako sa pagpupuno ng balde coz it’s my first time hihihi

Well hindi white sand beach at hindi din ganun kalinis pero yung dagat malinis naman yun nga lang maalon at medyo malalim.

 Naglakad kame ng medyo malayo para marating yung tubig tabang na konektado sa dagat. Dito super ako nag enjoy hehehe

Gray sand pero pino, hindi masyadong malinaw yung tubig sa dagat pero hindi din malalim kaya na enjoy ng mga katulad ko na hindi marunong lumangoy ang malalakas na alon.

Nakakatuwa din magpaanod sa super lakas na current sa tubig tabang. Hanggang tuhod lang pero the struggle is real hahahaha

 Pinaka favorite ko dito is yung napaka gandang view.

 Lalong gumanda hahha

The next morning maaga kame for the Island hopping, nawawalan na nga ako ng pag asa na matutuloy kasi maambon that morning. Past 7 na wala pa din pag sikat ng araw, pero at around 7:30 finally nagliwanag na at natuloy din kame.

 Hello there Capones and Camara Island…

Ang first stop namin is the Capones Island, my second time here. Zambales escapade ang first ever island hopping ko way back 2014. And after 3 years nakabalik din ako dito. Medyo malaki na yung pinagbago nya, hindi na sya ganun kalinis pero still maganda pa din. Crowded na din yung lugar unlike my first time here, wala tao nun kung hindi kame lang.

 Boat 🚣 Ride…

 White fine sand and clear blue green water….

 Pangarap ko talaga makaakyat sa light house pero hindi ko pa din na achieved kaya ayun swimming pa more nalang ang peg ko hehehe

 Family goals…

 My beloved lolo and lola…enjoying the sun β˜€

Next Island is the Camara Island….I’m not impressed with Camara Island, it is not what I expected. Sa mga pictures kasi na nakikita ko sa google ang ganda ng place kaya nag expect talaga ako and excited pa naman ako. But I’m quite dissappointed and sad. Oo white sand beach pero pinabayaan at hindi man lang nirespeto ng mga taong pumupunta dito. Medyo madumi yung place even the water. Sayang lang kasi maganda ang Camara itself pero pumanget dahil sa mga pabayang turista. (Hindi ko na ipo post yung pictures coz I still want you to see its beauty)

Nag stay nalang ako sa boat at hindi na ako nag abala pang bumababa, mas maganda kasi sya tignan sa pwesto ko.

 Wala pa kameng 15 mins sa Camara nagbalikan na yung mga kasama ko. Lunch time na nung dumating kame sa San Antonio beach. Around 30 mins lang naman ang boat ride.

After kumaen ng bongang bonga, nagpahinga nag pictorial hehe

 πŸ

Around 5 pm na kame umalis ng San Antonio..

Despite everything masasabi ko na nag enjoy pa din ako sa rampa na ito heheheh May part na hindi kagandahan at may part din naman na breathtaking.

Travel Guide

πŸ’°Breakdown of expenses :

2,000.00 Cottage good for 30 persons

200.00 Boat (Capones + camara)

πŸš—How to :

DIY : Ride a bus going to San Antonio Zambales (Check out bus sched of Victory Liner or Five Star Bus) Baba kayo sa San Antonio Liberty Park then sakay kayo ng Tricycle pahatid kayo sa San Miguel malapit lang sa Arirang beach Resort.

Other route : Sa may Pundaquit Zambales, dun talaga ang jump off point ng mga mag island hop papuntang Capones/Annawangin/Nagsasa.

πŸ’‘TIPS and things to remember :

Don’t expect too much.

Medyo mahirap ang water kasi de poso. Pero meron malapit na shower room (β‚±50.00) per head.

Please bring back your own trash. Sayang ang ganda ng mga isla kung pababayaan lang natin. 

🐱 Travel without spending much 🌻

Happy Feet πŸ‘£

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s